You are currently browsing the monthly archive for Enero 2009.
Gaano naperwisyo ng “holiday economics” ng Pekeng Pangulong Gloria Arroyo ang mga Pilipino? Isang linggong diretso na walang pasok, at wala ding serbisyong natamo ang ating mga kababayan. Hindi ba kahangalan?
Ang mga umaasa sa bangko sa mahahalagang transakyon ay walang magawa kung hindi maghintay o mangutang o kumagat sa mga mapagsamantala. Ang palitan ng forex, halimbawa na lang, ay labis na naapektuhan. Dahil sarado ang mga bangkong mapapagpapalitan, ang mga foreign exchange dealers ay nanamantala. Imbes na nasa P47.00 humigit kumulang ang palitan ng dolyar ay ginawa nilang nasa may P45.00 lamang!
Ang mga transakyon din sa gobyerno ay naudlot. Kung may kailangan ka sa gobyerno–sa munisipyo, kapitolyo, o mga departamento/ahensya–magdusa ka na muna at sa pagbubukas na lang sa Enero 2009 mo ayusin iyan. Paano kung mahalaga? Pasensya ka na lamang. Ang gusto kasi ng Pekeng Pangulong Arroyo ay may holiday ka sa mga lokal na tourist spots sa Pilipinas. Para bang katulad nila tayong mandarambong na maraming huhuguting pera?
Pati tuloy ang pagbabayad ng mga utilities ay naudlot at ngayong pagbubukas ay sobrang haba ang pila dahil takot maputulan ng tubig, kuryente o telepono. Nakaganda ba sa tao na natagal ang pagbabayad ng mga bills dahil nagkaroon sila ng mahabang palugit? Naku, hindi po dahil ang naging kaugalian ng mga Pilipino na bayaran lahat ng utang na kayang bayaran bago magsara ang taon ay nasira nitong freaking holiday economics ni Madam Pekeng Pangulo. Imbes na harapin ng mga masa ang bagong taon 2009 na kahit paano ay bawas ang alalahanin at may bugso ng swerte ay mukhang malas ang aabutin.
Sabagay halos 8 taon nang minamalas ang Pilipinas. Mahal naming ganid na Pekeng Pangulo, kahangalan ang inyong holiday economics!
