Sino ba ang mas ganid at walanghiyang lider ng ating bayang Pilipinas? Ang Diktador o ang Pekeng Pangulo?

Ang husga ng bayan–si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ang Pinaka-Corrupt na naging Pangulo ng Pilipinas magmula panahon ng Batas Militar.
Si Arroyo, tinatawag ding Pekeng Pangulo o Arrobo, ay pinaniniwalaan ng mas nakararaming Pilipino na PINAKA-CORRUPT na PANGULO sa KASAYSAYAN ng PILIPINAS. Ang kaalamang ito ay hango na rin sa survey noong 2007 ng Pulse Asia: October 2007 Special Report on Corruption-Related Issues.

Sino ang mas malinis: Si Tabako o si Erap?

Ang pinakamalinis na naging Pangulo ng bansang Pilipinas ay iginawad kay dating Pangulong Corazon Aquino.

Nguni’t sino ang sumunod? Kahit siniraan at hinusgahan ng halos walang patid, paniwala ng madla ay si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada ang sumusunod na pinakamalinis na naglingkod sa bayan. Nahusgahang mas malinis si dating Pangulong Erap kaysa kay dating Pangulong Fidel Ramos.

Sino namang Pangulo ng Pilipinas ang may pinakamaraming kinasangkutang iskandalo ng corruption?

Wala nang iba kundi si Gloria Macapagal Arroyo. Natalo na naman ng “Pekeng Pangulo” ang Diktador.

Ang tanong ko mga kababayan: lubha bang napakatuso ni Gloriang Mandaraya, o talaga lamang madaling mauto tayong mga Pilipino?

*Ang mga data na ito ay galing sa website ng Pulse Asia

**Link sa artikulo ukol sa Most Corrupt President in Philippine History